National News
Implementasyon ng EO 39 na nagtatakda ng price cap sa bigas, simula na ngayong araw
Epektibo na ngayong araw ng Martes, ika-5 ng Setyembre ang implementasyon ng Executive Order (EO) No. 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas.
Nakasaad sa nasabing kautusan na P41/kg ang dapat presyo ng regular milled rice habang P45/kg naman sa well milled.
Samantala, ilang opisyal ng gobyerno naman ang nakatakdang magsagawa ng inspeksyon sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Papangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr., Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, Metro Manila Council (MMC) President at San Juan City Mayor Franciz Zamora ang pag-iikot sa ilang palengke sa lungsod.
Kasama rito ang ilang opisyal ng Department Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).
Sa Quezon City (QC) naman, inaasahan ang mag-iikot din si QC Mayor Joy Belmonte kasama si Sec. Abalos at ilang opisyal ng DTI.
Ang nasabing inspeksyon ay makita at masiguro kung sumusunod ba ang mga rice retailer at wholesaler sa kautusan ng pamahalaan.
Layunin ng EO 39 ay upang mapigilan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas sa merkado.
Sa ilalim din ng EO 39 ay mas mahigpit na parusa ang posibleng ipataw sa mga mahuhuling negosyante na hindi sumusunod sa kautusan.
Maaaring pagmultahin na hindi bababa sa P5-K at hindi hihigit sa P1-M at pagkakakulong ng hindi bababa sa 1 taon at hindi rin hihigit sa 10 taon.
