National News
Importers ng P8.7-B na illegal vape products, kinasuhan ng BIR
Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ng mga kaso ng pandaraya sa buwis ang ilang importers at distributors ng ilegal na vape products.
Partikular na laban ito sa ilegal na vape products na may tatak na Flava, Denkat at Flare dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.
Ang mga distributor ay kinasuhan ng paglabag sa National Internal Revenue Code kabilang na ang unlawful possession ng vape products na walang bayad na excise tax sa ilalim ng Section 263.
Maging kaugnay sa tax evasion sa ilalim ng Section 254 at hindi pagsusumite ng excise tax returns sa ilalim ng Section 255.
Tinatayang nagkakahalaga ang ilegal na vape products na ito ng P8.7-B.
