Connect with us

Inaugural state visit ni PBBM, isasagawa sa Indonesia at Singapore

Inaugural state visit ni PBBM, isasagawa sa Indonesia at Singapore

National News

Inaugural state visit ni PBBM, isasagawa sa Indonesia at Singapore

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sa September 4-7 isasagawa ang kaunaunahang state visit ni Pangulong Bongbong Marcos sa Indonesia at Singapore.

Unang bibisita ang  pangulo  sa Indonesia base sa imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo.

Bibisitahin ang unang pagpupulong ng dalawang lider na inaasahang tatalakayin ang aktibo at multi-faceted na kooperasyon ng dalawang bansa sa defense, maritime, border, economic at people-to-people cooperation.

Magpapalitan din sila ng mga pananaw sa mga pangunahing isyu na nakakaapekto sa rehiyon at mundo.

Ang Indonesia ang pinakamalaking ekonomiya sa Timog-Silangang Asya. Ito rin ang kasalukuyangpangulo ng G20, isang estratehikong multilateral groupings ng mga pangunahing maunlad at umuusbong na ekonomiya.

Ang Indonesiaang incoming chair ng ASEAN sa susunod na taon

Masasaksihan din ng dalawang pangulo ang paglagda sa ilang mahahalagang kasunduan sa mga larangan ng defense at kultura.

Makikipagpulong din ang pangulo sa mga business leader para isulong ang kalakalan at pamumuhunan para suportahan ang economic agenda ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Pagkatapos ng pagbisita sa Indonesia, tutungo ang pangulo sa Singapore para sa isang state visit mula ika-6 hanggang ika-7 ng Setyembre sa imbitasyon ni Pangulong Halimah Yakob.

Magkakaroon ng magkahiwalay na pagpupulong si Pangulong Marcos, Jr. kasama ang pangulo ng Singapore at Prime Minister Lee Hsien Loon  upang talakayin ang close bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa, gayundin ang regional at global issues.

Masasaksihan din nina Pangulong Marcos, Jr. at Prime Minister Lee ang paglagda ng mga kasunduan sa larangan ng Counter-terrorism at Data Privacy.

Dahil ang Singapore ay pangunahing  partner sa kalakalan at pamumuhunan ng Pilipinas, isang economic briefing at business roundtable meetings ang isasaayos, kung saan nilalayon ng pangulo na mag-imbita ng mga mamumuhunan sa Pilipinas at lumikha ng mas maraming oportunidad na trabaho sa bansa.

Makikipagpulong din ang pangulo sa mga Filipino community sa Indonesia at Singapore para personal na tiyakin sa kanila ang patuloy na pangako ng gobyerno na protektahan ang kanilang mga karapatan at itaguyod ang kanilang kapakanan bilang mga overseas Filipinos.

More in National News

Latest News

To Top