National News
Income ng mga Pilipinong magsasaka, tumaas ng 20% – World Bank
Tumaas ng 20% ang income ng mga Pilipinong magsasaka.
Sa pahayag ng World Bank, resulta ito sa mga ipinapatupad na mga proyekto sa ilalim ng Philippine Rural Development Project.
Anila, lubos nilang nakita ang resulta sa Mindanao at Visayas.
Ang mga proyekto na tinutukoy ay ang pinondohan ng World Bank sa pamamagitan ng $600-M na loan na nagsimula pa noong taong 2014 at magtatapos sa July 31, 2025.
