Connect with us

Incoming President BBM, hindi magbebenta ng gov’t properties para magkapondo

PBBM, dadalo sa APEC Summit sa Thailand sa Nobyembre

National News

Incoming President BBM, hindi magbebenta ng gov’t properties para magkapondo

“I’m always very wary of selling government assets. As a matter of principle, I’d rather not,” ani incoming Pres. Bongbong Marcos.

Ito ang naging tugon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbebenta ng mga ari-arian ng gobyerno para magkaroon ng pondo para sa kanyang administrasyon.

Ayon kay BBM, titingnan ng kaniyang administrasyon ang 2023 National Budget upang makahanap ng pondo para sa mga bagay na gusto nilang ipatupad.

Isa sa mga maaring mapondohan aniya mula sa national budget ay ang Bangon Bayan Muli stimulus bill.

“There are slight differences. Although it has been disbursed, not all of it has been spent. So mayroon pa tayong breathing room pero kaunti na lang. Basically move some public expenditure away from non-investment expenditures to more investment-led expenditures to revitalize, to retool the economy,” dagdag pa nito.

Samantala, dumagsa kamakailan ang kinatawan ng mga iba’t-ibang bansa sa opisina ni BBM

Sila ay mga taga Japan, South Korea at India.

May be an image of 2 people and indoor

May be an image of 3 people and people standing

Kabilang din sa mga bumisita ay si Chargé d’Affaires Heather Variava.

At sa isang pressconference, ikinuwento ni Pres. Elect BBM ang ilan sa mga pinag-usapan nila ng US diplomat sa ekonomiya.

“It is very well, of course we will welcome any assistance, for the economy, that we can get from the United States, but I thought, I said I think, that not only a dependence on aid from the United States, but also in trade,” ani BBM.

At para sa susunod na Pangulo, mas mainam na sa kalakalan at hindi sa foreign aid sesentro ang tulungan ng US at Pinas.

“Balik pa rin tayo dun, trade not aid, and so to open the, again the government, the bureaucracy, this administration to the possibilies of private partnerships, joint venture, from the Philippines and with the Americans,” saad pa nito.

Nauna nang binanggit ni BBM na pagdating sa usapin ng independent foreign policy ay wala itong kikilingang bansa.

At ang pahayag na iyon ay malinaw nang prangkahan niya ang US Govenment.

Ngayong Duterte administration, matindi ang paninindigan ni outgoing President Rodrigo Duterte laban sa US.

At para sa susunod sa kanyang yapak, taas noo pa rin ang mga Pilipino na hindi magmukhang kawawa sa international community na ekonomiya ang solusyon at hindi ayuda mula sa iba.

“Marami naman tayong history sa ganyan, marami dito nag bubukas na kumpanya na American since for a long time now, so that is a well-established root or role that is a part of our relationship,” diin pa ng incoming president.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top