Connect with us

“Increased” degassing activity sa Bulkang Taal, namonitor ng Phivolcs

"Increased" degassing activity sa Bulkang Taal, namonitor ng Phivolcs

Regional

“Increased” degassing activity sa Bulkang Taal, namonitor ng Phivolcs

Mayroong namonitor ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na “increased” degassing activity sa Bulkang Taal.

Nitong June 6, nasa 11,072 tonelada ng volcanic sulfur dioxide gas bawat araw ang inilabas ng Taal main crater.

Lagpas ito sa normal na 8, 294 tonelada na inilalabas ng taal sa unang bahagi ng taon.

Potensyal itong magresulta ng pagkabuo ng volcanic smog o vog sa mga komunidad na malapit sa bulkan.

Sa katunayan, nararanasan na sa Alitagtag, Tingloy, San Nicolas, Laurel, Taysan, Lobo, at Batangas City sa Batangas Province ang malabo o “hazy” condition dahil sa degassing activity.

Nararanasan rin ito sa Agoncillo, Lemery, Taal, Santa Teresita, Alitagtag, Cuenca, Lipa, Balete, at Malvar.

Kung magkakaroon na ng vog ay ipinaalala ng Phivolcs na hanggat maaari ay iwasang ma-expose ng matagal dahil nagiging sanhi ito ng irritation sa mata, lalamunan at respiratory tract.

Lalong-lalo na ang mga indibidwal na may preexisting health conditions gaya ng asthma, lung at heart disease, nakatatanda, buntis na mga ina at mga kabataan.

More in Regional

Latest News

To Top