Connect with us

Incumbent mayor sa Quezon Province na tumatakbo sa pagka-kongresista, diniskwalipika ng COMELEC Division

Incumbent mayor sa Quezon Province na tumatakbo sa pagka-kongresista, diniskwalipika ng COMELEC Division

National News

Incumbent mayor sa Quezon Province na tumatakbo sa pagka-kongresista, diniskwalipika ng COMELEC Division

Tuluyan nang diniskwalipika ng Commission on Elections (COMELEC) 1st Division ang incumbent mayor na tumatakbong kongresista matapos mapag-aralang mabuti ng dibisyon ang pormal na reklamo laban sa kanya kaugnay ng isyu ng pamimili ng boto.

Samantala, sunod-sunod naman ang pagdagsa ng disqualification petitions sa komisyon laban sa ilang kandidato.

Tatlong disqualification cases na ang inihain sa COMELEC laban sa iba’t ibang kandidato dahil sa umano’y pamimili ng boto.

Unang sinampahan ng reklamo si re-electionist Aklan 2nd District Representative Teodorico Haresco.

Batay sa alegasyon, namahagi umano ito ng pera sa isang pribadong lugar.

Ayon sa petitioner, personal nitong nasaksihan ang mismong pamimili ng boto, nang magkaroon ng bigayan o payout sa bahay ng isang staff ni Haresco.

Naglabas pa ito ng video bilang ebidensya ng umano’y aktwal na pamimigay ng pera.

Samantala, si Antolin Oreta naman ay inireklamo dahil sa pamimigay ng tinapay at P200 cash

Habang si gubernatorial candidate Anthony Kho at ilan sa kaniyang mga kaanak ay pinadidiskwalipika rin sa COMELEC.

Bukod sa isyu ng political dynasty, inirereklamo din sila dahil umano sa pamimigay ng pera.

Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, inaasahan na nila ang pagdami ng mga disqualification case habang papalapit ang halalan.

Samantala, tuluyan nang diniskwalipika ng COMELEC 1st Division ang incumbent mayor sa Quezon Province na ngayo’y tumatakbo bilang kongresista.

Dagdag pa ni Chairman Garcia, kasalukuyang iniimbestigahan ng COMELEC Committee on Kontra Bigay ang 242 reklamo kaugnay ng vote buying.

Halos kalahati nito ay nabigyan na ng show cause order o pinagpapaliwanag na ng komisyon.

More in National News

Latest News

To Top