Connect with us

Inday Sara, sang-ayon sa pagkakatalaga nito na pamunuan ang DepEd

National News

Inday Sara, sang-ayon sa pagkakatalaga nito na pamunuan ang DepEd

Sang-ayon si Vice President Elect Inday Sara Duterte na pamunuan ang Department of Education (DepEd).

Ito ang inihayag ni Atty. Vic Rodriguez sa panayam ng Sonshine Radio hinggil sa planong pagtalaga ni president elect Bongbong Marcos kay Inday Sara sa DepEd.

Kung matatandaan, una nang sinabi ni Inday sara na gusto niyang pamunuan ang Department of National Defense.

“At the latest announcement na ginawa mismo ni President-Elect Bongbong na ang Department of Education portfolio ay mapupunta kay Vice President Elect Inday Sara Duterte at ito’y base na rin sa kanilang pag-uusap noong makalawa yata at nag-uusap ‘yung mag-tandem at ito’y sang-ayon dito si Vice President-Elect Inday na pamunuan ang Department of Education at harapin ang maraming challenges sa tanggapang ito,” ani Rodriguez.

 Sa kabilang banda, ipinanawagan ni Rodriguez na hindi na dapat mag-away away ang mga Pilipino ngayong tapos na ang halalan.

Ang dapat gawin aniya ay pagkakaisa na mabigyang solusyon ang kahirapan, ang kawalan ng trabaho at iba pang suliraning kinahaharap ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top