Connect with us

Independent foreign policy ng Pilipinas, maganda maitranslate sa economic needs – FFCCCII

Huwag nang magreklamo hinggil sa ekonomiya ng bansa at mas mainam kung tumulong na lang. Ito ang sinabi ni Anvil Business Club at FFCCCII

National News

Independent foreign policy ng Pilipinas, maganda maitranslate sa economic needs – FFCCCII

Huwag nang magreklamo hinggil sa ekonomiya ng bansa at mas mainam kung tumulong na lang.

Ito ang sinabi ni Anvil Business Club at FFCCCII Public Information and Media Committee Chairman Wilson Lee Flores sa panayam ng Sonshine Radio.

Kasunod ito sa nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng tinapay, petrolyo at iba pang mga bilihin sa kasalukuyan.

Aniya, kailangan nang makiisa tungo sa pagresolba dito gaya nalang sa pagtitipid at paghahanda sa posibleng global food inflation.

Suhestiyon ni Flores, dapat mahanapan ng paraan na ma-stabilize ang presyo ng imported na krudo o oil upang makatulong sa mga negosyante.

“Kung ma-stabilize natin ang presyo ng imported na krudo o oil, malaking bagay ‘yan sa lahat ng negosyo, ‘di lang sa ordinaryong sumasakay ng jeep, bus, pati mga panaderya, lahat ng pagkain, mga restaurant kasi gumagamit tayo ng LPG ‘di ba sa pagluluto? Mga oven sa lahat ng mga panaderya, lahat puro LPG, galing ‘yan sa langis, sa natural gas,”ani Flores.

Mas maganda rin aniya kung ang tinatawag na independent policy ay mai-translate ng bansa sa economic needs.

“Ang tinatawag na independent foreign policy, kailangan ma-translate natin sa economic things. Dapat makinabang ang ekonomiya ng Pilipinas at masang Pilipino. Alam mo ba, nabasa ko sa balita, bago lang tayo nag-interview ngayon. Ang Pakistan daw, nakakabili ng murang trigo at saka murang langis sa Russia. Tapos, ‘yung mga ka-alyado ng America sa Asya, ‘yung South Korea, Japan pati India, non-stop ang import nila ng Russian oil pati Iranian oil,” dagdag pa nito.

Sa kabilang banda, pinuri ni Flores si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI dahil maganda aniya ang analysis ng butihing pastor sa mga nangyayari sa mundo.

Hindi lang aniya ito visionary leader kundi isa ring nationalist gaya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Saka maganda rin daw ‘yung analysis niya sa buong mundo, nakikita ko, sa station ninyo at saka sa social media si Pastor Quiboloy. Alam mo ang maganda sa kanya, nationalist din siya, hindi lang siya visionary leader, nationalist. Parang si Pang. Duterte pareho kay susunod na Pangulong Bongbong Marcos, nationalists, hindi pro-Russian, pro-China, pro- USA kundi pro- Philippines,” ani FFCCCII public Information and Media Committee Chairman Wilson Lee Flores.

More in National News

Latest News

To Top