Connect with us

Independent foreign policy ni PRRD, ipagpapatuloy ni President-elect BBM

3 pang magiging miyembro ng gabinete ni PBBM, pinangalanan na

National News

Independent foreign policy ni PRRD, ipagpapatuloy ni President-elect BBM

Dumalo ngayong araw sa awarding rites ng Association for Philippines-China Understanding (APCU) sa isang hotel sa Makati si President-elect Bongbong Marcos.

Ang APCU ay isang award giving body katuwang ang Embahada ng China sa Pilipinas ay kumikilala sa natatanging mga Pilipino na may malaking ambag sa pagpo-promote ng China-Philippine Relations.

At para kay President BBM, mas magiging malalim ang pagkakaibigan ng China at Pilipinas sa kanyang termino.

“How do I see the future between the China and the Philippines? I see the future of the China and the Philippines developing in many ways that maybe we do not see now. I will encourage our relationships to not only be in the very strict and formal senses of business, of government to government or public and private partnerships. All of those we will encourage,” ani President-elect BBM.

Nitong Huwebes, June 9, ay ginugunit ang Filipino-Chinese Friendship Day sa bansa.

Noong June 9, 1975 nang opisyal na maitatag ang China-Philippine Relations sa panahon ni dating Pang. Ferdinand E. Marcos Sr.

Ngunit nagkaroon ng isyu ang Pilipinas at China sa usapin ng territorial dispute sa West Philippine Sea.

At para sa bagong Pangulo, masinsinang ugnayan ang dapat gawin dito.

“The difficulties, the differences that we may have will be helped as long as we continue trying and to continue to communicate and continue to be forth rite in the interest of each of our countries,” dagdag pa ni BBM.

Nangako rin si President BBM na ipagpapatuloy ang independent foreign policy na nasimulan ni Pangulong Duterte.

“Perhaps we will continue President Duterte has started what has been described as independent foreign policy. And that what we feel is best in national interest. And I think it is to be advantageous not only to our friends in China but to all our friends around the world,” saad pa ni PBBM.

Para naman sa China, magpapatuloy ang magandang ugnayan ng China at Pilipinas matapos magkaroon ng mabungang ugnayan ang dalawang bansa sa isalim ng termino ni Pangulong Duterte.

Lalo na sa Build build build program at mga proyekto sa ilalim ng ng Build and Road Initiative (BRI) ng China.

“Over the past 6 years under the guidance of President Xi Jinping and President Duterte, China-Philippine Relations have come a long way and has been elevated to the one of comprehensive and strategic cooperation. China maintained Philippines the largest trading partner, second largest export market and source of our foreign investment,” ani H.E. Huang Xilian Chinese Ambassador to the Philippines.

Narito naman ang tugon ng China sa takbo ng usapan nila sa pagitan ng Pilipinas sa isyu ng territorial dispute sa West Philippine Sea.

“We have also handled our differences in less constructive manner which has not only broaden our cooperation, deepen our cooperation but also injecting positive energy and to the peace stability in region,” dagdag pa ng Chinese Ambassador to the Philippines.

More in National News

Latest News

To Top