National News
Inflation rate sa bansa, bumagal sa 2.6 % noong Pebrero
Bumagal ang inflation rate o pagsipa ng halaga ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong nakaraang buwan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 2.6 % ang inflation noong Pebrero kumpara sa 2.9 % noong Enero.
Sinabi ng PSA na ang inflation ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng mga pangunahing produkto gaya ng pagkain at non-alcoholic beverages.
Nakapag-ambag din ang bumabang halaga ng tubig, kuryente at produktong petrolyo maging ang restaurant and miscellaneous goods and services.