Connect with us

Insidente ng phishing at donation scam, mas tumaas pa

Insidente ng phishing at donation scam, mas tumaas pa

National News

Insidente ng phishing at donation scam, mas tumaas pa

Insidente ng phishing at donation scam, tumaas ngayong umiiral ang Luzon lockdown

Tumaas ang bilang ng mga criminal acts online sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, nakita ng industriya ng mga bangko ang pagtaas ng insidente ng mga phishing at mga donation scam.

Ani Lorenzo, nakikipagtulungan na ang NBI sa mga bangko para matunton ang mga cybercriminal na sinasamantala ang sitwasyon ngayon sa bansa.

Binalaan din ng NBI official ang publiko na maging maingat sa mga text at social media posts na humingi ng donasyon.

Tanging lehitimong institusyon lamang aniya o mga accredited ng Department of Social Welfare Development (DSWD) ang pinapayagang humingi ng donasyon.

Pinaalalahan din ni Lorenzo ang publiko na huwag ibenta ang kanilang empty atm cards dahil ginagamit ito ng mga sindikato sa paglipat ng kanilang “fraudulently acquired funds” mula sa kanilang mga biktima.

Sa ngayon ay wala pang final tally ang NBI sa cybercrime na sangkot ang phishing at donation scams.

More in National News

Latest News

To Top