National News
Insidente ng sunog, tumaas ng mahigit 36% sa 1st quarter ng taon
Tumaas ng mahigit 30% ang insidente ng sunog sa bansa sa 1st quarter ng taon.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), karaniwang dahilan ng sunog ay mga na-overheat o overused na mga electric fan.
Sa datos ng BFP, mula Enero 1, – Abril 25, ngayong taon ay nakapagtala na ang ahensya ng 8,189 na insidente ng sunog.
Mas mataas ito ng 36% kumpara sa naitalang mahigit 6-K kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Kaugnay nito, nagpaalala ang BFP sa publiko na laging i-check ang mga electric fan lalo na kung ibang beses nang na-repair o matagal nang ginagamit.