Connect with us

Insidente ng sunog, tumataas tuwing tag-init – BFP

Insidente ng sunog, tumataas tuwing tag-init – BFP

National News

Insidente ng sunog, tumataas tuwing tag-init – BFP

Tumataas ang bilang ng insidente ng sunog tuwing panahon ng tag-init.

Ito ang sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) kasunod ng deklarasyon ng PAGASA na opisyal nang nagsimula ang panahon ng tag-init sa bansa.

Ayon sa BFP, karaniwang dahilan ng sunog ay ang mga octopus wiring o buhol-buhol na kable ng kuryente, maling paggamit ng mga appliances sa bahay at kawalan ng pakialam ng tao.

Kabilang rin sa ipinaalala ng BFP ang palagiang paglilinis sa mga bahay lalo na ang pag-alis sa mga alikabok.

Ito ay dahil ang mga kable ng kuryenteng napasukan ng alikabok ay maaaring mag-spark sakaling isasaksak na posibleng maging sanhi ng sunog.

Batay sa datos ng BFP, ang National Capital Region ang nangunguna sa may pinakamaraming bilang ng insidente ng sunog sa bansa.

 

 

More in National News

Latest News

To Top