Connect with us

Insidente sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy sa Pag-asa Island, nai-report na sa awtoridad

Insidente sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy sa Pag-asa Island, nai-report na sa awtoridad

National News

Insidente sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy sa Pag-asa Island, nai-report na sa awtoridad

Naipagbigay-alam na ng AFP Western Command (WesCom) sa National Task Force on West Philippine Sea ang insidente sa pagitan ng Philippine Navy at sa Pag-asa Island kahapon, November 20, 2022.

Ito ay matapos sapilitang kunin ng Chinese Coast Guard ang “unidentified floating object” na na-retrieve ng Philippine Navy.

Ayon kay AFP WesCom Spokesperson Major Cherryl Tindog, pabalik na sa Naval Station Emilio Liwanag (NSEL) ang Navy personnel nang harangin sila ng rigid hull inflatable boat ng China.

Pinutol umano ng mga Chinese ang pagkakatali ng Navy personnel sa na-retrieve na debri at sapilitan itong dinala pabalik sa kanilang barko.

Wala namang nasaktan sa insidente dahil sa ipinatupad na maximum tolerance ng Navy personnel.

More in National News

Latest News

To Top