Connect with us

Insidenteng paglunok ng dolyar sa NAIA, posibleng magiging dahilan para wala nang tatapak sa NAIA

Insidenteng paglunok ng dolyar sa NAIA, posibleng magiging dahilan para wala nang tatapak sa NAIA

National News

Insidenteng paglunok ng dolyar sa NAIA, posibleng magiging dahilan para wala nang tatapak sa NAIA

Kahihiyan para sa bansa ang ginawa ng isang Office for Transportation Security (OTS) personnel na lumunok ng umano’y nakaw na dolyar mula sa pasaherong Chinese.

Ayon kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, posibleng wala nang tatapak sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil dito.

“Eskandalo na naman po yan, kahihiyan na naman sa buong daigdig. Huwag po nating isipin na palibhasa tayong mga Pilipino ay tayo lang nakakakita ng video na ito, sigurado po ako ngayon, viral na viral na yan sa iba’t ibang parte ng daigdig so baka wala ng guston tumapak dyan sa NAIA. Dahil ang NAIA nalaman ng nagkaroon ng brownout, nalaman ng may kumakain ng pera, naku naman po,” ayon kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque

Sa ngayon ay paiimbestigahan na ng Kamara ang insidenteng ito.

Ito’y matapos nakunan ng CCTV camera ang buong eksena ng paglunok ng pera.

Sa panig naman ng tinutukoy na OTS personnel, sinabi nyang “tsokolate” at hindi dollar bill ang kanyang nilunok.

Subalit para sa OTS fact-finding team, hindi normal na kumain ng tsokolate na hirap na hirap at tinutulak pa ng tubig.

More in National News

Latest News

To Top