Connect with us

Internet shop operator, huli dahil sa ilegal na droga sa Zamboanga City

Timbog ang dalawang high-value drug suspect sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Bacolod City, Negros Occidental.

Regional

Internet shop operator, huli dahil sa ilegal na droga sa Zamboanga City

Arestado ang isang internet shop operator matapos mahulihan ng pinagdududahang ilegal na droga sa Zamboanga City.

Kinilala ng Police Regional Office 9 ang suspek na si Almudzrin Sali Atalad alyas “Totoh”, 40 anyos, residente ng Phase 4, Brgy. Ayala, Zamboanga City.

Sa report ng PRO 9 Public Information Office, nahuli ang suspek sa isinagawang drug buy-bust operation sa Seafront, Brgy. Baliwasan, Zamboanga City alas-11:04 ng umaga noong Huwebes.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang 11 plastic sachet na may pinaghihinalaang ilegal na droga. May timbang itong 50 gramo at nagkakahalaga ng nasa P340,000.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Zamboanga City Police Office.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

More in Regional

Latest News

To Top