Connect with us

Int’l human rights lawyer, binawi ang suporta kay PBBM dahil sa kabi-kabilang kontrobersya ng pangulo

Int'l human rights lawyer, binawi ang suporta kay PBBM dahil sa kabi-kabilang kontrobersya ng pangulo

National News

Int’l human rights lawyer, binawi ang suporta kay PBBM dahil sa kabi-kabilang kontrobersya ng pangulo

Pagbabago sa kanyang pangakong independent foreign policy, alegasyong sangkot sa iligal na droga, pagkitil umano ng kanyang administrasyon sa freedom of expression sa bansa. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit binawi ng isang Filipino international and human rights lawyer na base sa Estados Unidos ang kanyang suporta kay Pang. Bongbong Marcos.

Solid UniTeam daw siya dati pero dahil nag-iba na aniya ng direksyon ang pangulo lalo na sa foreign policy, dismayado na siya at nanawagan na ibalik ang ‘friend to all’ at ‘enemy to none’ na foreign policy.

Nakita ko ‘yung matinding 360° na pagbabago. Lalong-lalo na sa usapin ng foreign policy ng Pilipinas.”

“Kahit noong unang punta niya sa Amerika ay matibay at maliwanag ang kanyang pronouncement na that we are friends to all and enemies to none. Pero noong pabalik-balik na siya ay makikita natin ‘yung unti-unting pagbabago,” ayon kay International and Human Rights Lawyer, Atty. Arnedo Valera.

Nakikita raw ni Valera na posibleng may pressure sa pangulo sa nangyayaring hidwaan ngayon sa South China Sea bagamat hindi niya masasabi kung ito ba ay dahil sa kaso nito sa Amerika kaugnay sa umano’y ill-gotten wealth ng mga Marcos.

“Mayroong malinaw na pressure. May malinaw na external pressure. Ikakawing ko ‘yan sa usapin ng South China Sea at West Philippine Sea. Whether may mga personal dealings ‘yan o secret dealings in exchange of that ang mahalagang bantayan natin is ‘yung pambansang soberanya,” dagdag pa nito.

Pero aniya, dapat mas unahin sana ng administrasyon ngayon ang pagtugon sa internal na mga problema ng bansa.

“Imbes na mag-focus tayo sa food security. Mag-focus tayo sa mga problemang internal. Mag-focus tayo sa mga tinatawag nating trabaho ng mamamayan at infrastructure natin ay lumalabas tayo na wala naman tayong kakayahan,” ani Valera.

Samantala, ipinunto naman ni Valera na ang nangyaring pagkansela sa dapat sana’y idadaos na Maisug Rally sa Bustos, Bulacan kamakailan, ay palatandaan lamang ng pagkitil sa demokrasya ng bansa.

“Yung pagkitil at pagkitid ng demokratikong espasyo ay indikasyon ‘yan ng authoritarianism. Hindi ‘yan normal sa isang bansang demokrasya. Lalong-lalo na sa pagrespeto ng Saligang Batas tungkol sa malayang pananalita at sa isang matahimik na pagtitipon,” aniya.

At kontrobersyal naman na pagkakasangkot sa pangalan ng pangulo sa isang dokumento ng PDEA na magpapatunay umano na gumagamit ito ng iligal na droga, nanawagan siya na dapat mag-voluntary drug testing si Pang Bongbong Marcos.

“Nananawagan tayo kung ayaw niya ng voluntary testing doon sa 5 sinabi ko, nandyan ang judicial. Sa judiciary, nandyan… respeto sa batas ng Pilipinas.”

“Seryosong alegasyon na kung mapapatunayan ay malaki ang implikasyon nito sa pamamahala ng publiko at pagpapatupad ng batas sa Pilipinas,” pahayag pa ni Valera.

Ito rin aniya ay karapatan ng mga Pilipino na malaman at matuldukan ang agam-agam ng sambayanan.

More in National News

Latest News

To Top