National News
Inventory para sa mga lupaing magagamit sa mass housing ng gobyerno, masisimulan na – DHSUD
Sisimulan na ang pagsasagawa ng inventory sa lahat ng mga lupain na pinagmamay-ari ng pamahalaan na maaaring pagtayuan ng mass housing.
Kasunod ito sa pagpapalabas ng implementing rules and regulations (IRR) kaugnay sa Executive Order No. 34 na siyang nag-uutos para sa inventory ng mga lupain.
Sa pamamagitan ng IRR ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Sec. Jose Rizalino Acuzar, mas mapapabilis at mas magiging systematic na ang inventory aniya.
Ang mass housing ay tugon sa pangako ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na pabahay para sa mahigit 6.5-M informal settler families at low-income earners.