Connect with us

Investment deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5, terminated na

Investment deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5, terminated na

National News

Investment deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5, terminated na

Hindi na tuloy ang investment deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Sa isang statement na inilabas ng ABS-CBN, napagkasunduan ng dalawang partido ang pag-terminate ng kanilang agreement noong August 10, 2022 na naglalaman ng proposed acquisition ng Kapamilya network ng 34.99% equity interest sa TV5.

Kasama rin sa termination ang convertible note agreement kung saan saklaw ang proposed subscription ng ABS-CBN sa isang convertible note na ibibigay ng TV5.

Maliban pa dito, terminado na rin ang sale and purchase agreement sa pagitan ng Sky Vision Corporation, ABS-CBN Corporation, Lopez Inc., at Cignal Cable Corporation.

Naglalaman naman ito ng proposed acquisition ng cignal cable ng 38.88% equity interest ng Sky Cable Corp.

Maging ang debt instruments agreement kung saan saklaw nito ang proposed subscription ng Cignal cable sa isang exchangeable debt instrument na ibibigay ng Sky Vision at ang proposed acquisition ng Cignal Cable ng convertible note na ibibigay naman ng Sky Cable.

More in National News

Latest News

To Top