National News
IP community sa Talaingod, umaapela ng paaralan sa Marcos admin
Malaking biyaya para sa indigenous community gaya ng sa Talaingod, Davao del Norte ang pagkakaroon ng paaralan sa kanilang komunidad lalong lalo na at karamihan sakanila ay kung hindi man nakapag tapos sa pag-aaral ay hindi talaga nakatungtong sa kahit sa mababang paaralan.
Kaya naman nang dumating ang Salugpungan school sa kanilang komunidad ay inakala nila na ito na ang mag bibigay daan upang magkaroon ng pinagaralan ang kanilang kabataan.
Ayon sa dating coordinator ng Salugpungan school nasi Juanito Bongcalas, suportado nila ito para maabot ang pangarap ng mga magulang na mapaaral nila ang kanilang mga anak hanggang sa kolehiyo.
Panawagan naman ng taga Talaingod sa gobyerno, ang mabigyan sila ng paaralan na libre para sa mga kabataang mula sa indigenous community.
Kaya naman hamon ng dating kadrena si Arian Jane Ramos sa Marcos administration na kung nagawa nga ng makakaliwang grupo na mabigyan ng paaralan ang mga IP communities sa Talaingod, walang dahilan ang gobyerno na hindi ito maipatupad kung tunay itong may malasakit sa kapwa.
Magugunitang naipasara noong 2019 ang mga Salugpungan schools sa Talaingod dahil sa suportado ito ng komunistang teroristang grupo na CPP-NPA-NDF na nag tuturo sa mga kabataan ng indigenous community na magalit sa gobyerno, isama sila sa mga rally at ang iba ay narerecruit sa armadong pakikibaka.
