Connect with us

Isa pang star witness laban kay De Lima, bumaliktad

Isa pang star witness laban kay De Lima, bumaliktad

National News

Isa pang star witness laban kay De Lima, bumaliktad

Binabawi ng former officer in charge ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Rafael Ragos ang mga testimonya nito laban kay Senator Leila De Lima.

Ani Ragos, siya ay tinakot lamang ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre para gumawa ng maling alegasyon laban kay De Lima.

Kaugnay nito, humihingi ng tawad si Ragos kay De Lima sa pagtestigo laban dito.

Dagdag pa ni Ragos, dapat palayain si De Lima sa mga drug charges na dahilan nang kanyang pagkakakulong simula noong 2017.

Magugunitang sinabi ni Ragos noong 2016 sa isang pagdinig sa Senado na kasama siya ni Jovencio Ablen Jr. na nagbigay ng P5 million mula sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison sa bahay ni De Lima sa Parañaque city noong 2012.

Aniya, ito ay kickback mula kay Peter Co at iba pang drug lords para supportahan ang pagtakbo ni De Lima bilang senador noong 2013.

Sa ngayon, binabawi ito lahat ni Ragos sa isang affidavit na nilagdaan sa Pasig City.

More in National News

Latest News

To Top