Breaking News
Isa sa mga senior officials ng DOH, positibo sa COVID-19
Nagpositibo ang isa sa mga senior officials ng Department of Health (DOH) sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa inilabas na advisory ng DOH, hindi pinangalanan ang naturang opisyal na may posisyon na director.
BREAKING | Isa sa mga senior officials ng DOH, positibo sa #covid19
Posted by DZAR 1026 on Tuesday, 17 March 2020
Pinasinungalingan naman ng ahensya ang kumakalat na balita na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga miyembro ng DOH Executive Committee.
Tiniyak naman ng DOH sa kanilang mga kawani na nasa top priorities nila ang kanilang kaligtasan at kalusugan sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa.