Regional
Isang barangay sa Negros Occidental, hindi na madadaanan dahil sa lahar flow mula sa Mt. Kanlaon
Hindi na madadaanan ang Tamburong Creek, Brgy. Biaknabato, Calapnagan, La Castellana, Negros Occidental sa kasalukuyan.
Itoy dahil umagos na sa ilang daan dito ang lahar mula sa pumutok na Bulkang Kanlaon batay sa post ng Office of the Protected Area Superintendent ng Mt. Kanlaon Natural Park.
Samantala, matatandaang isinailalim na sa state of calamity ang Canlaon City, Negros Oriental.
Dahil parin ito sa pagputok ng Bulkang Kanlaon nitong Lunes, June 3, 2024, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Bandang 6:51 ng gabi ng magsimula ang pagputok ng nabanggit na bulkan at umabot ito ng hanggang 6 na minuto.
Sinundan rin ito ng isang malakas na volcanic-tectonic earthquake.
Ipinaalala naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na aasahan pa ang maraming eruption sa Bulkang Kanlaon.
