National News
Isang Pilipino sa South Korea, nagpositibo sa COVID-19
Isang Pinoy ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa South Korea.
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, kinukuha pa nila ang buong detalye sa infected na Pinoy.
Kahapon nang itinaas na sa highest level ang alert sa South Korea dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng sakit.
Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang travel ban sa South Korea pero pinapayuhan ang mga Pinoy sa “delay non-essential travel” sa bansa sa gitna ng sitwasyon ng COVID-19.
Dagdag pa ni Vergiere, may isa ring Pinoy ang tinamaan ng COVID-19 sa Singapore, 2 sa United Arab Emirates at 1 sa Hong Kong habang 49 sa Diamond Princess Cruise Ship sa Japan.
Hinimok din ng health official ang mga Pilipino na ipagpaliban muna ang kanilang mga biyahe pa-abroad kung maaari para makaiwas sa COVID-19.