Connect with us

Isang Pinoy crew mula sa hinuling barko ng Iran, pinalaya at pauwi na – DFA

Isang Pinoy crew mula sa hinuling barko ng Iran, pinalaya at pauwi na – DFA

National News

Isang Pinoy crew mula sa hinuling barko ng Iran, pinalaya at pauwi na – DFA

Inaasahang darating na sa Pilpinas ngayong Biyernes, May 10 ang isang Pinoy crew member na pinakawalan ng Iran matapos hinuli ang container ship nito sa Strait of Hormuz.

Kinumpirma ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) sabay ang pasasalamat sa Iran at sa tulong ng India kaugnay sa pagpapalaya.

Kung matatandaan, April 13 nang hulihin ng Iran ang MSC Aries kung saan mayroon itong 4 na Pinoy mula sa kabuoang 25 crew members.

Ang panghuhuli at pang-aatake ng Iran ng mga container ship ay bilang pagpapakita ng simpatiya sa Hamas militant group sa nagpapatuloy na digmaan nito sa pagitan ng Israel.

Samantala, sa ngayon ay tinatrabaho na rin ayon sa DFA ang pagpapauwi ng 3 iba pang Pinoy crew ng nabanggit na container ship.

More in National News

Latest News

To Top