National News
Isang pinoy seaman ng isang cruise ship, nagpositibo sa 2019 novel coronavirus sa Japan
Nagpositibo sa 2019 novel coronavirus ang isang pinoy seaman na sakay ng isang cruise ship.
Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Japan, naka-isolate na sa isang ospital sa Japan ang pinoy seaman na crew ng Diamond Princess Cruise Ship.
Bukod sa Pinoy seafarer, naka-isolate at minomonitor din sa ospital ang isang Amerikano, 2 Australian, 3 Japanese at 3 pa na mula sa Hong Kong na pawang pasahero ng nasabing barko.
Nabatid na isang dating pasahero ng cruise ship ang nakumpirma na may sakit ngunit stable na ang kondisyon nito sa Hong Kong.
Kasalukuyang nakadaong ang barko sa Yokohama Port sa Japan at sumasailalim sa 14-day quarantine.
Batay sa impormasyon, nasa 2,666 na pasahero at 1,045 na crew members ang lulan ng nasabing cruise ship.