Connect with us

Isang POGO hub sa Bataan, sinalakay ng mga awtoridad

Isang POGO hub sa Bataan, sinalakay ng mga awtoridad

Regional

Isang POGO hub sa Bataan, sinalakay ng mga awtoridad

Sinalakay kamakailan ang isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Bagac, Bataan.

Sa bisa ng isang search warrant, nagsanib pwersa dito ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, isang Malaysian company ang nagpapatakbo ng operasyon.

Nakatanggap umano ang PAOCC ng kabi-kabilang reklamo mula sa ilang Pilipinong empleyado na biktima umano sila ng labor trafficking.

Bukod sa mga Pinoy, mayroon ding mga dayuhan na mga biktima.

No description available.

Ayon sa opisyal, kontrolado umano ng pamunuan ng Central Park ang kilos ng mga empleyado.

No description available.

Bukod sa malayo ito sa kabahayan, hindi raw makalabas ng basta basta ang mga empleyado.

No description available.

Napag-alaman na wala ring kaukulang permit ang operasyon ng POGO mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Nasa 300 hanggang  600 na Pinoy workers ang nagtatrabaho sa loob habang nasa 200-300 naman ang mga dayuhan na kinabibilangan ng mga Malaysian, Thai, Indonesian at Chinese.

Bagama’t ipinalalabas ito na BPO services, batay sa impormasyon ay karamihan pala sa operasyon nito ay scamming, sports betting, love scam, cryptocurrency, investment scam at human trafficking.

More in Regional

Latest News

To Top