National News
Isang red tagging complaint laban sa dating mga opisyal ng NTF- ELCAC, ibinasura ng Ombudsman
Ibinahagi ni Ombudsman Samuel Martires na ibinasura na ang isang red-tagging complaint na inihain laban sa mga dating opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Ang Case Number 2022-006 ayon kay Martires laban kay SMNI Anchor Lorraine Badoy, Antonio Parlade Jr. at Hermogenes Esperon ay naibasura dahil sa kawalan ng batas na nagbabawal ng red-tagging.
Si Kabataan Party List Rep. Raoul Manuel ang naghain ng nabanggit na dismissed case.
Ipinangako na rin ni Martires kaugnay dito na magbibigay siya ng update hinggil sa status ng 6 na iba pang kaso na inihain laban sa 3 dating government officials.
