Connect with us

Isang suspek sa Degamo case, tinorture umano para ikanta si Cong. Teves

Isang suspek sa Degamo case, tinorture umano para ikanta si Cong. Teves

National News

Isang suspek sa Degamo case, tinorture umano para ikanta si Cong. Teves

Binuksan muli sa ang preliminary investigation hinggil sa pagkakadawit ng mga suspek sa Degamo case matapos isa sa mga suspek ang nagbigay ng kaniyang kontra-salaysay sa Degamo case.

Ayon kay Jhudiel Rivero o a.k.a Osmundo Rivero, wala siyang kinalaman sa krimen.

Nagulat na lang daw siya nang malaman na isa siya sa mga iniimbestigahan sa Degamo murder.

Sa kontra salaysay nito, isinaad ng suspek na noong March 05, 2023 nang pinara niya ang isang Philippine National Police (PNP) vehicle sa Bayawan City para ireport ang nawawala niyang motor.

Nang oras daw na yon ay hinuli siya at dinala sa PNP Headquarters na nasa Provincial Intelligence Unit na nasa Negros Oriental at doon daw niya nalamam na iniimbestigahan siya sa pagkamatay ni Degamo noong March 04 matapos daw siyang ituro ng 3 nahuli ng mga ito na pumasok sa compound ng mga Degamo.

Doon raw tinorture at sinuffocate siya gamit ang plastic bag at alambre para siya ay sakalin.

Habang siya raw ay kinukuhanan ng salaysay ay sinaktan daw siya ng mga pulis at sinabing umamin na sa krimen.

Nagbanta rin daw ang mga ito na kung di niya ituturo si Cong. Arnie Teves na siyang nag-utos na patayin si Degamo ay mapapahamak ang kaniyang pamilya.

Sumunod na lamang daw siya sa mga ito dahil sa takot niya sa kaligtasan ng kaniyang pamilya.

Habang ito ay kinuhanan naman ng salaysay ng Public Attorney’s Office (PAO), ay inutusan daw siya sa na tumalima lamang sa pulis at hindi raw siya masasaktan pa.

Ilagay din daw siya sa witness protection program at palalayain.

Ipinaliwanag naman daw ng abogado nito na ang ginawa sa kaniya ay paglabag sa kaniyang karapatang pantao.

Sa kontra salaysay nito, Itinaggi rin niyang kilala niya si Marvin Miranda na lumilitaw na co-mastermind ni Teves sa krimen.

Samantala, una nang sinabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na inaasahan na nila na papunta sa recantation ang mga salaysay ng mga suspek sa Degamo case.

Ayon kay Remulla, tumigil makipagtulungan ang mga suspek sa imbestigasyon ang mga ito noong nagkaroon ng sariling abogado.

Pero ayon sa DOJ, kumpyansa sila na hindi ito makakapekto sa pagsasampa ng kaso vs Teves sa korte.

More in National News

Latest News

To Top