National News
Isinampang kaso ni Kris Aquino kay Nicko Falcis, ibinasura
Ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang kasong qualified theft na isinampa ng tv-host at aktres na si Kris Aquino laban sa dati niyang project manager at manager director ng kanyang kumpanyang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) na si Nicko Falcis.
Inaprubahan ng Makati City Prosecutor ang resolusyon ni Assistant City Prosecutor Paolo Barcelona na nagrerekomenda na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng probable cause
Sa resolusyon na may petsang Pebrero 18, sinabi ng Makati Prosecutor’s Office na walang nakitang matibay na ebidensya matapos ang kanilang masusing eksaminasyon sa mga rekord ng kaso.
Oktubre 2018 nang akusahan ni Aquino si Falcis na ginamit nito ang KCAP credit card para sa mga personal na gastusin na hindi niya alam gayong nakalaan dapat ito para sa mga bayarin ng kompanya ng aktres.
Inihain ni Aquino ang kaso theft sa pitong lungsod kabilang na ang Makati.