Connect with us

Isla ng Malamawi sa Basilan, pinadedeklarang ecotourism zone

Isla ng Malamawi sa Basilan, pinadedeklarang ecotourism zone

National News

Isla ng Malamawi sa Basilan, pinadedeklarang ecotourism zone

Ipinadedeklara ni Basilan Rep. Mujiv Hataman na ecotourism zone ang isla ng Malamawi sa Basilan.

Ang Malawi Island ay isang beach destination sa Basilan na tanyag dahil sa crystal blue water at white sand nito.

Batay sa House Bill No. 6293 ni Hataman, nais nitong ideklara ng Department of Tourism (DOT) ang isla bilang ecotourism zone para madevelop at makilala pa itong lalo bilang tourist spot.

“Sa katunayan, madami na ang pumupunta sa Malamawi Island para magbakasyon dahil tunay na napakaganda ng tanawin doon. Ang nakikinabang sa maraming bisita ay ang mga komunidad sa isla sa ilalim ng pagpapatnubay ng lokal na pamahalaan ng Isabela City,” saad ni Hataman.

At kung magiging ecotourism zone na ang isla, saad ng kongresista na magiging priority na ito sa mga programa ng tourism department.

Sa tulong ng national government, umaasa si Hataman na mapapantayan rin ng Malamawi ang ilang tanyag na beach destination sa bansa gaya ng isla ng Boracay at Siargao.

“Panahon na para magbunga naman ang pinagtulung-tulungan at pinaghirapang kapayapaan para sa kapakanan at ika-uunlad ng mga komunidad sa Basilan. Ang pagpapaganda ng Malamawi Island ay isang hakbang tungo sa isang progresibong kinabukasan,” ani Hataman.

More in National News

Latest News

To Top