National News
Isyu ng korupsyon, una sa nais patutukan sa Marcos admin- survey
Numero unong nais patutukan ng mga Pinoy sa Marcos administration ang isyu ng korupsyon.
Sa 3rd Quarter Pahayag survey ng Publicus Asia, 18% sa respondents ang nagsasabi na dapat nang solusyonan ng kasalukuyang pamahalaan ang lumalalang usapin hinggil dito.
Sinundan ito ng inflation o ang pagtaas sa antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo na may 15%.
12% naman sa respondents ng survey ang nagnanais na maresolba ang isyu ng pangkalahatang ekonomiya ng bansa.
Ang kahirapan ay may 11% at ang isyu hinggil sa pagkakaroon ng trabaho ay may 7%.
Ang survey ay isinagawa mula Setyembre 15 hanggang 19, 2024 na may 1.5K respondents.