National News
Isyu sa prangkisa ng ABS-CBN, paiimbestigahan sa Senado
Pinaiimbestigahan ni Senador Grace Poe sa Senado ang isyu sa prangkisa ng ABS-CBN.
Sa inihaing Senate Resolution 322 ni Poe, hinihirit nito sa Senate Committee on Public Services na kanyang pinangangasiwaan na tingnan ang operasyon ng ABS-CBN kung sumusunod ito sa franchise terms.
Binigyan-diin ni Poe na naninidigan ang network na at ang lahat ng kanilang hakbang ay nakatutugon sa probisyon ng kanilang prangkisa.
Ang paghahain ng resolusyon ni Poe ay ilang araw matapos magsampa ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema laban sa kumpanya para ipawalang-bisa ang prangkisa nito dahil sa umano’y mga paglabag.
