National News
Isyu sa West Philippine Sea, posibleng ungkatin sa 35th ASEAN Summit
Hindi iniaalis ng Department of Foreign Affairs ang posibilidad na muling mauungkat ang usapin sa South China Sea sa nalalapit na 35th ASEAN Summit na gaganapin sa Bangkok, Thailand kung saan ay dadaluhan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Foreign Affairs Asec Juniver Mahilum-West, posibleng talakayin ang usapin sa Code of Conduct of Parties in the South China Sea sa gagawing ASEAN-China meeting.
Paliwanag ni Asec Mahilum-West, hindi malayong isulong ni Pangulong Duterte ang Code of Conduct dahil na rin sa mga huling kaganapan sa West Philippine Sea.
Dahil sa mga developments lalo sa West Philippine Sea, hindi malayong isusulong ni Pangulong Duterte ang Code of Conduct na matagal ng pinag-uusapan.