Connect with us

IT expert at retired PNP general, susunod na BIR at NICA chief ni PBBM

IT expert at retired PNP general, susunod na BIR at NICA chief ni PBBM

National News

IT expert at retired PNP general, susunod na BIR at NICA chief ni PBBM

Pinangalanan ngayong Biyernes ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang kanyang pinili na sunod na mamumuno sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Ayon kay press-secretary designate Atty. Trixie Cruz-Angeles pinili ni PBBM si Lilia Guillermo, ang dating Deputy Commissioner ng BIR at Assistant Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas. 

Idinagdag pa ni Atty. Angeles, si Guillermo ang nasa likod din para sa matagumpay na pagpapatupad Philippines Tax Computerization Project, isang modernong tax collection system para sa BIR at Bureau of Customs (BoC).

Kabilang din sa inilagay ni BBM sa BIR si Atty. Romeo “Jun” Lumagui Jr. na nominated bilang Deputy Commissioner for Operations-designate. 

Ayon kay press secretary-designate si Lumagui ay “tax lawyer with decades of experience who once served as the Regional Investigation Division Chief of Revenue Region No. 7B East NCR.”

Samantala nais naman ni Marcos si retired PNP Deputy Director General Ricardo de Leon bilang Director General-designate ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Si de Leon ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Matatag” Class of 1971 at kaslukuyang pangulo ng Philippine Public Safety College (PPSC).

More in National News

Latest News

To Top