International News
Italy, magpapatupad ng lock down sa Lombardy at Milan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19
Magpapatupad ng lock down ang bansang Italy sa pinakamayaman at pinaka popular na rehiyon ang Lombardy at sa financial capital na Milan.
Layon nito na maiwasan ang pagkalat pa ng nakamamatay na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa bagong rules na ipatutupad, hihimukin ang mga tao na huwag ng pumunta sa Lombardy at umalis sa nasabing lugar.
Tinatayang nasa 10 milyon na mga katao ang naninirahan duon.
Kabilang sa ipasasara ang lahat ng mga museum, gyms, cultural centers, ski resorts at mga swimming pools partikular sa mga target areas.
Sa sandaling maaprubahan ang panukala, ang lahat ng leave ng mga healthcare workers ay kanselado lahat ng mga eskwelahan at universities at isasara at suspendido din ang mga weddings, funerals at mga sport events sa Lombardy.
Sa ngayon ay umaabot na sa 5,883 ang bilang ng may Coronavirus sa Italy.