Showbiz
IU, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng wildfire sa South Korea
Nagbigay ng tulong ang Korean soloist na si IU sa mga biktima ng wildfire sa kanilang bansa.
Sa anunsyo ng Hope Bridge Korea Disaster Relief Association, nasa 200 million Korean won ang ibinigay ng artist sa kanila.
Ang naturang donasyon ay gagamitin sa anumang relief efforts para sa mga biktima at maging sa mismong firefighters.
Nag-umpisa ang malawakang wildfire noong Marso 21, 2025, at hindi bababa sa 24 katao ang nasawi, habang mahigit 20 ang sugatan.
Partikular na apektado ang Sancheong County sa Northern Gyeongsang Province at ang kalapit nitong Uiseong County.
