National News
Japan at Pilipinas, mas paiigtingin pa ang relasyon para mapahusay ang railway sector ng bansa
Tiniyak ng mga railway expert ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na patuloy silang makikipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas sa usapin ng railway sector ng bansa.
Ito ay upang mas mapahusay pa ang rail transport system ng Pilipinas.
Ang pagpapaigting na ito ng JICA at ng Department of Transportation (DOTr) ay kasunod nang pagbisita ng mga railway expert ng JICA sa Philippine National Railways (PNR).
Ito ay para obserbahan ang train operations, mga kagamitan, at pasilidad ng linya.
Welcome development para sa PNR ang pagbisita sa pakikipagtulungan na rin ng Philippine Railways Institute na layong magpalitan ng mga kaalaman at best practices sa pagitan ng dalawang institusyon.
Makatutulong din ang pagbisita ng JICA sa pagbuo ng bagong training materials para sa mga train personnel ng PNR upang mas mapabuti pa ang kanilang kakayahan at serbisyo para sa publiko.