Connect with us

Japan, nagbigay ng P141.9-M para sa rehabilitasyon ng peace and security stations sa Mindanao

Japan, nagbigay ng P141.9-M para sa rehabilitasyon ng peace and security stations sa Mindanao

International News

Japan, nagbigay ng P141.9-M para sa rehabilitasyon ng peace and security stations sa Mindanao

Nasa P141.9-M ang ibinigay  na pondo ng Japan bilang suporta sa rehabilitasyon ng 4 na peace and security stations sa Mindanao.

Paraan anila ito upang magtutuloy-tuloy ang peace efforts sa rehiyon.

Ang United Nations (UN) migration naman ang magpatupad ng rehabilitation program sa loob ng 12 buwan simula February 2024.

Mula sa 4 na peace and security stations, nasa 80 Joint Peace and Security Team (JPST) members ang makakabenepisyo nito kung saan makakatanggap sila ng livelihood training at kits.

Magiging saklaw rin dito ang capacity building para sa 720 JPST members mula sa 24 na JPST stations sa buong Mindanao.

Nagsimula ang operasyon ng mga JPST noong 2019 para magbigay ng seguridad nang magsimula ang decommissioning ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Binubuo ang 24 na JPST stations ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF).

More in International News

Latest News

To Top