National News
Jean Fajardo, iginiit ang katotohanan sa kanyang mga pahayag
Binatikos ni Senador Bong Go si PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo sa umano’y maling impormasyon na inilalabas sa publiko tungkol sa mga kontrobersiyang kinakaharap ng pambansang pulisya at ng bansa.
Ayon kay Go, ilang beses nang naglabas ng pahayag ang Philippine National Police (PNP) na taliwas sa tunay na pangyayari, bagay na itinanggi ni Fajardo.
Giit ng opisyal, wala siyang sinasabing hindi kumpirmado at ginagawa lamang niya ang kanyang tungkulin.
Kasama sa mga isyung tinalakay ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang umano’y pagtakbo ni Fajardo sa Villamor Air Base, na kanya namang itinanggi.
Bukod dito, iginiit din ng PNP na walang pulis na umiiyak sa lugar, kundi pinawisan lamang dahil sa mainit na panahon.
Sa kabila ng mga paliwanag ng PNP, marami pa rin ang hindi kumbinsido sa naging proseso ng pagdakip kay Duterte, lalo na’t walang inilabas na International Criminal Court (ICC) warrant at diffusion letter lamang mula sa Interpol ang natanggap ng gobyerno.
