Connect with us

Jillian Robredo, ‘di sinigawan; taga-Baguio, dinuro ng Leni supporter

Binigyang-linaw ni Cliff Lewis, ang sinasabing nanigaw sa anak ni Vice President Leni Robredo

National News

Jillian Robredo, ‘di sinigawan; taga-Baguio, dinuro ng Leni supporter

Binigyang-linaw ni Cliff Lewis, ang sinasabing nanigaw sa anak ni Vice President Leni Robredo, ang totoong nangyari sa Baguio City public market.

Sinabi ni Lewis na hindi niya sinigawan o nakaharap man lang si Jillian Robredo.

Sa kanyang salaysay, nagmamadali siya sa oras na iyon at nakiki-usap ito sa mga Leni supporter na tumabi muna para makadaan sila.

Hindi lang aniya siya ang nakikiusap sa mga oras na ‘yon dahil marami ding nagmamadali.

Imbes aniya na tumabi, sinabihan siya ng mga supporters na wala silang paki-alam basta ang importante ay iboto niya si Leni.

Nilinaw din ni Lewis kung bakit nito nasabi na mga dayuhan lang sila sa lungsod.

Aniya, dinuro-duro siya ng isa pang supporter kaya sinabi niya na huwag siyang duruhin dahil taga-doon siya, Igorot siya at dayuhan lang sila.

Tinawag din nitong bastos ang nakaharap nitong supporter ni Leni at hindi siya hihingi ng tawad dahil ipinaglaban lang niya ang kanyang karapatan.

Tinuligsa rin nito ang mga media na mali ang ginawang balita sa totoong nangyari at sinabing burahin at ibahin na ang kanilang balita.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top