Connect with us

Jingoy Estrada, umanib na sa senatorial slate ni BBM

Jingoy Estrada, umanib na sa senatorial slate ni BBM

National News

Jingoy Estrada, umanib na sa senatorial slate ni BBM

Umanib na sa senatorial slate ng presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte si former Senator Jingoy Estrada.

Ani Estrada, napakapalad niya na mapasali sa Marcos at Sara tandem na tinawag na Uni-team.

Sinabi naman ni BBM na kanyang ikakapampanya si Jinggoy dahil sa katunayan marami na itong naipasang batas na nakatulong sa mga Pilipino.

Madali naman aniya nilang ikampanya ang isang kaibigan.

Matatandaang, kinasuhan ng plunder at graft si Jinggoy hinggil sa “pork barrel” scam noong 2014 ngunit pinayagang makapag-piyansa noong 2017 matapos ang tatlong taong pagkaka-kulong.

Bukod pa rito, muling tumakbo ito sa pagka-senador noong 2019 sa ilalim ng partido ng kanyang ama na si gormer president Joseph Estrada ngunit hindi ito pinalad.

Samantala, ang mga partido na susuporta sa Uni-team ay ang PMP ni former pres. Estrada, Partido Federal ng Pilipinas ni Marcos, Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara at Lakas-Christian Muslim Democrats ni former pres. Gloria Arroyo.

More in National News

Latest News

To Top