Connect with us

Job fair para sa apektadong POGO workers, inaalok ng DOLE

Job fair para sa apektadong POGO workers, inaalok ng DOLE

National News

Job fair para sa apektadong POGO workers, inaalok ng DOLE

Tinatayang 70-80% na ang naisalang sa profiling ng Department of Labor and Employment (DOLE) na Pinoy POGO workers.

Ang mga manggagawang ito ay ang mga apektado sa nationwide ban ng POGO (Philippine Offshore Gaming Operators).

Sinabi ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, dahil sa kanilang isinagawang  profiling sa apektadong POGO workers, matutukoy na nila ang uri ng intervention na maaari nilang ipagkakaloob.

Ilan sa mga nakikitang intervention ng DOLE ay ang pagbibigay ng upskilling, retraining, at livelihood program.

Sa katunayan, sa inisyal na naibahagi ng kalihim, magsasagawa sila ng job fair para sa POGO workers sa unang linggo ng Oktubre.

Ani Sec. Laguesma, “And incidentally we have scheduled specific or special job fair for them on the first week of October para matingnan kung anong klaseng intervention ang dapat nilang mataggap sa DOLE.”

Sa datos ng DOLE, nasa 26,996 na POGO workers na ang kanilang nai-profile ngunit may 54 pa na internet gaming licenses (IGLs) ang hindi nakapagpasa ng listahan ng kanilang workers.

 

More in National News

Latest News

To Top