National News
Job fair sa Oktubre, alok para sa mga apektado ng POGO closure
Inihahanda na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang job fair para sa mga Pilipinong manggagawa na apektado ng pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) o Internet Gaming Licensees (IGLs).
Ayon kay DOLE-Bureau of Local Employment Director Patrick Patriwirawan Jr., mayroong 70 na mga kumpanya ang interesadong makilahok at mag-alok ng mga bakanteng trabaho sa nasabing job fair na gagawin ngayong Oktubre.
Kabilang sa mga uri ng trabaho na iaalok ay mula sa mga industriya gaya ng business process outsourcing (BPOs), IT companies, tourism-related companies, general services at wholesale and retail industries.
Hinikayat naman ng DOLE ang jobseekers na magparehistro para sa nakatakdang job fair.
Samantala, mayroon rin anila silang online registration kung saan kahit patapos na ang job fair, maaari pa ring bisitahin ng applicants ang kanilang applications o mag-submit pa ng mga aplikasyon sa ibang employers sa pamamagitan ng online platform na philjobnet.gov.ph.