Connect with us

Contractual at job order workers sa gobyerno, tatanggap ng bonus

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng gratuity pay para sa mga naka-job order at contractual service sa gobyerno para sa taong 2019.

National News

Batay sa Administrative Order 20 na nilagdaan ng Pangulo noong Enero a-10, ang lahat ng job order at contractual workers na nag-render ng kahit apat na buwan ng “satisfactory performance of services” hanggang Disyembre 15, 2019 ay makatatanggap ng gratuity pay na hindi lalagpas ng P3,000 bawat isa.

Ang gratuity pay naman ng nag-render ng mahigit 3 buwan pero mas mababa sa 4 na buwan ay makatatanggap ng hindi lalagpas ng P2,000, hindi naman lalagpas sa P1,500 ang matatanggap ng mga nagrender ng 2 buwan pero mas mababa sa 3 buwan habang hindi lalagpas sa P1,000 ang matatanggap ng mas mababa sa 2 buwan.

Sakop ng kautusan ang mga empleyado ng national government agencies, state universities and colleges, government-owned or-controlled corporations at local water districts.

Kukunin naman ang kinakailangang pondo para ipatupad ang AO sa kanya-kanyang pondo ng mga concerned offices.

More in National News

Latest News

To Top