Showbiz
Jodi Sta. Maria, bibida muli sa isang horror film
Bibida ngayong taon si Jodi Sta. Maria sa isang horror movie na pinamagatang “Untold”.
Aasahan namang matutunghayan ito sa movie theaters ‘as soon as possible’ ayon sa post ng entertainment producer ng pelikula.
Ang “Untold” ay tinawag pa nilang “most twisted horror event” ng taong 2024 kung kaya’t kaabang-abang ito.
Ito na muli ang horror film ni Jodi mula nang bumida ito sa “Clarita” noong 2019.
Sa kabilang banda, magkakaroon ng theatrical screening ngayong Oktubre 23 at 27, 2024 ang isang never-before-released show ni late American singer-actress Whitney Houston sa Durban, South Africa.
Bagamat hindi pa idinetalye, matutunghayan ang screening sa halos 900 cinemas ng mahigit 25 mga bansa.
Pre-release ito kung maituring mula sa upcoming live album ng singer na may pamagat na “The Concert for a New South Africa” na ilalabas naman sa Nobyembre 8.
Sa history ng singer, nagsagawa ito ng tatlong concerts sa South Africa taong 1994 matapos nanalo noon bilang pangulo ng bansa si Nelson Mandela.
Mahigit 200K ang nag-attend dito at ang kita ng concerts ay ibinigay sa iba’t ibang charity sa South Africa.
Si Whitney na pumanaw noong Pebrero 2012 ay sikat sa mga kanta tulad ng “I Will Always Love You”, “I Wanna Dance with Somebody”, “How Will I Know”, “I Have Nothing” at marami pang iba.