Connect with us

Joint Task Force Katagalugan, nagpulong upang tugunan ang isyu ng insurhensya

Joint Task Force Katagalugan, nagpulong upang tugunan ang isyu ng insurhensya

Regional

Joint Task Force Katagalugan, nagpulong upang tugunan ang isyu ng insurhensya

Sa pamamagitan ng Joint Task Force Katagalugan, nagsagawa ng pulong ang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC).

Layunin ng pulong na talakayin ang mga hakbang upang matapos na ang insurhensya sa rehiyon.

Kabilang sa mga dumalo ang mga Advisers to the Cabinet Officer for Regional Development and Security, mga Co-Vice Chairpersons, Head Secretaries at mga Pangulo ng 12 heads clusters/lines of effort.

Ang pulong ay pinangunahan ni Asec. Jose Dominic Clavano IV ng Department of Justice (DOJ) at kabilang sa napag-usapan dito ang mga naging tagumpay at mga pagsubok na kanilang kinaharap nitong nakaraang buwan.

Ipinakilala rin sa mga dumalo ang bagong action plan at ang patutunguhan ng bawat cluster sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang nasasakupan.

More in Regional

Latest News

To Top