Connect with us

Jonathan Morales, tinangkang pigilan na dumalo sa pagdinig ng Senado sa PDEA leaks

Jonathan Morales, tinangkang pigilan na dumalo sa pagdinig ng Senado sa PDEA leaks

National News

Jonathan Morales, tinangkang pigilan na dumalo sa pagdinig ng Senado sa PDEA leaks

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa PDEA leaks o ng mga sensitibong dokumento na nag-uugnay kay Pang. Bongbong Marcos sa umano’y paggamit ng iligal na droga noon ay idinetalye ni Morales kung papaano siya tinangkang pigilan.

Sabi niya, may bumisita daw sa kanyang bahay nitong May 1 para kumbinsihin siyang ‘wag nang dumalo sa pagdinig ni Sen. Bato Dela Rosa sa Senado.

Aniya, ng umaga ay nagtungo sa kanyang bahay ang isang Romy Enriquez. Sinabihan daw siya ni Enriquez na gusto siyang kausapin ng isang Eric Santiago ng NAPOLCOM sa pamamagitan ng video call. Kasama aniya sa video call ang isang James Kumar at si First Lady Liza Araneta-Marcos.

“Sinabihan ko ‘yan padre, etong si Jonathan, na wag nang ano kasi nag-uumpugan ‘yung Duterte at Marcos baka madamay siya. ‘Yan po ang word ni Romy Enriquez doon sa CCTV,” ayon kay former PDEA agent, Jonathan Morales.

Ayon pa kay Morales, si Santiago ang pumipigil sa kanya para dumalo sa Senado dahil sabi nito, baka raw mapahamak siya kapag itinuloy niya ito. Sabi pa raw ni Santiago, gusto raw nilang tulungan si Morales.

“Ngayon ‘yung si Pikoy si Eric Santiago napaka insisting niya na hindi sabi niya ano natin ‘yan tulungan natin ‘yan kasi wala eh papatayin ‘yan,” dagdag pa nito.

Si Morales ang signatory sa kontrobersyal na PDEA leaks.

Sa parehong pagdinig ay nakumpirma din mula mismo sa aktres na si Maricel Soriano na pagmamay-ari nito ang condo unit na nakasaad sa nag-leak ba dokumento.

Si Soriano ang isa sa mga personalidad na nabanggit sa dokumento na kasama ni Bongbong Marcos na umano’y gumagamit ng cocaine.

Hinamon naman ni Morales si Sen. Bato na imbitahin si dating Pangulong Rodrigo Duterte para aniya mapatotohanan ang mga sinasabi nito sa pagdinig.

Matatandaang sinabi na noon ni Duterte na kasali noon ang pangalan ni Marcos Jr. sa narcolist ng PDEA.

Pero sagot ni Sen. Bato, ayaw niyang mapulitika ang pag-imbestiga ng Senado sa PDEA leaks kaya’t wala siyang planong imbitahin sina Marcos Jr. at dating Pangulong Duterte.

More in National News

Latest News

To Top