Connect with us

Jose Faustino Jr., umupo na bilang officer-in-charge ng Defense Department

Umupo na si retired General Jose Faustino Jr. bilang Officer-in-charge ng Department of National Defense (DND).

National News

Jose Faustino Jr., umupo na bilang officer-in-charge ng Defense Department

Umupo na si retired General Jose Faustino Jr. bilang Officer-In-Charge ng Department of National Defense (DND).

Isinalin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Faustino ang pamamahala sa DND sa pamamagitan ng online transition ceremony.

Nabatid na sumasailalim sa quarantine si Faustino matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa mensahe ni Lorenzana, ipinagmalaki nito ang mga nagawa ng DND sa ilalim ng kanyang pamumuno kabilang na ang AFP Modernization Program, tagumpay sa Marawi Seige at pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Kinilala naman ni Faustino ang mga nagawa ni Lorenzana at tiniyak ang pagpapalakas sa depensa ng bansa at AFP Modernization Program.

Pinasalamatan din nito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtatalaga sa kanya sa pwesto.

Si Faustino ay dating nagsilbing chief of staff ng AFP sa ilalim ng Administrasyon Duterte.

More in National News

Latest News

To Top